MANILA, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang pitong (7) drug suspek at winasak ang isang suspected makeshift drug den sa ikanasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcemet Agency (PDEA) nitong Miyerkules ng hapon, Pebrero 4, sa Barangay Lourdes, Lubao.
Kinilala ang naarestong suspek na umano’y drug den operator na si alyas “Win-win” at anim (6) pang kasabwat nito sa pagbebenta ng shabu sa PDEA undercover agent.
Narekober sa mga suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na tinatayang 12 grams at street value ng higit P81,000, drug paraphernalia at ang marked money na ginamit sa buybust.
Mahaharap ang mga suspek aa paglabag sa mas pinaigting na Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO