MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) noong Biyernes laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang opisyal ng DFA at nakikipag-ugnayan sa publiko at mga ahensya ng gobyerno.
Ayon sa advisory, nagpapakilala ang mga ito bilang DFA Assistant Secretary Emmanuel Donato Guzman at Jay Guzman, at gumagawa ng hindi awtorisadong email, mensahe, at tawag sa ngalan ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas.
Hindi nagbigay ng detalye ang DFA tungkol sa laman o layunin ng mga naturang komunikasyon.
“The DFA urges the public to remain vigilant and immediately report similar incidents to the following email address: [email protected],” ayon sa DFA.
Hinikayat ng ahensya ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang mga kahalintulad na insidente. RNT/MND