Home METRO 2 online ‘bugaw” timbog sa Bulacan, 29 biktima nasagip

2 online ‘bugaw” timbog sa Bulacan, 29 biktima nasagip

227
0

BULACAN, Philippines – Arestado sa walang humpay na kampanya kontra sa human trafficking ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang dalawang indibidwal habang nailigtas ang 29 biktima sa entrapment operation sa San Jose Del Monte (SJDM), noong Enero 28.

Sa report, nag-ugat ang operasyon sa isang reklamo ng isang non-government organization tungkol sa paglabag ng sindikato sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Ayon sa report, mula Enero 20 ay nagsagawa ng malalimang cyber surveillance ang mga tauhan ng CCD kontra sa operasyon ng nasabing sindikato.

Nabatid sa imbestigasyon na ang mga suspek ay tumatayong bugaw sa social media para ialok ang mga biktima sa kanilang mga parokyano.

Ang modus ng mga suspek ay mamahagi ng mga sekswal na larawan ng biktima sa kanilang mga parokyano kapalit ang mula sa P3,500 hanggang P5,000 na umano’y kinukunan nila ng komisyon.

Dahil dito, noong Enero 28 nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng CCD sa SJDM kaya naaresto ang mga suspek at nasagip ang 29 biktima kabilang ang limang menor de edad.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso at iniharap sa inquest proceedings sa SJDM prosecutor’s office. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here