Home NATIONWIDE 4 kaso isinampa laban kay Sarah Discaya sa CTA

4 kaso isinampa laban kay Sarah Discaya sa CTA

242
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice na apat na kaso na ang isinampa laban kay Sarah Discaya sa Court of Tax Appeals (CTA) dahil sa tax evasion.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Marrinez, ang tax evasion na kinakaharap ni Discaya ay paglabag sa Sections 254 (Willful Attempt to Evade or Defeat Taxes) at 255 (Willful Failure to Supply Correct and Accurate Information) ng National Internal Revenue Code of 1997.

Saklaw nito ang mga taxable years na 2020 hanggang 2021.

Ayon kay Martinez, naisampa sa korte ang kaso noong Pebrero 3, sa CTA bilang may hurisdiksyon sa naturang kaso.

Samantala, naghain naman ng motion for reconsideration si Curlee Discaya upang ipagpaliban ang pagsasampa ng impormasyon.

Dahil dito, hinihingi ng BIR na magbigay ng komento bilang bahagi ng proseso, at patuloy pa rin ang preliminary investigation batay sa mga dokumento.

Sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na inaasahang mareresolba ng DOJ ang isyu sa mga darating na linggo.

Noong Setyembre 2025, isiniwalat ng mga Discaya ang mga pangalan ng ilang kongresista, kanilang staff, at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways na diumano’y sangkot sa corruption scheme.

Si Sarah Discaya ay kasalukuyang nasa Lapu-Lapu City Jail, habang si Curlee ay nasa Senate custody.

Noong Disyembre 2025, sinampahan din si Sarah at iba pang akusado ng Office of the Ombudsman kaugnay ng isang P96.5-milyon na ghost flood control project sa Davao Occidental.

Pinabulaanan nila ang mga paratang ng graft at malversation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here