MANILA, Philippines – Nakatakdang ipagpatuloy ng Commission on Elections ang voters registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Election mula Pebrero 9 hanggang Marso 30 ngayong taon.
Muli itong inulit ni Garcia kasunod ng pagpapaliban ng inaugural parliamentary election noong Marso 30, 2026.
Sinabi ng Comelec na ang rehistrasyon ng botante para sa 2026 BSKE sa autonomous region ay nakatakdang ipagpatuloy ngayong buwan at kalaunan ay nilinaw na ang pagpaparehistro ay kasama rin ang mga botante na gustong bumoto para sa Bangsamoro Parliamentary Election (BPE).
Paliwanag pa ng Comelec na registration period sa Bangsamoro ay magtatapos nang mas maaga kaysa sa nationwide registration period, na magtatapos sa Mayo 18, na binabanggit ang nakaambang posibilidad na ang parliamentary elections ay gaganapin sa Setyembre.
Ayon pa kay Garcia, bagamat ang BPE ay isang special na halalan–pwede malagay sa batas na ang makakabuti ay botante sa mismong araw ng halalan upang maiwasan ang disenfranchisement ng ating mga kababayan.
Aniya, muling bubuksan ng Comelec ang Register Anywhere Program (RAP) para sa voter registration, na magbibigay-daan sa mga aplikante na magparehistro sa mga satellite sites sa highly-urbanized na mga lungsod at kabiserang bayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden