Home NATIONWIDE Marcoleta, Robin, sinopla ni Lacson sa pagsuko sa Kalayaan Islands sa China:...

Marcoleta, Robin, sinopla ni Lacson sa pagsuko sa Kalayaan Islands sa China: ‘Di Puwede’

226
0

MANILA, Philippines – Matinding sinopla ni Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson sina Senador Rodante Marcoleta at Robin Padilla na isuko na lamang ang Kalayaan Island Groups (KIG) sa China dahil “kakampi’ naman daw ng Pilipinas ang Beijing.

Kahit walang legal na basehan na nakatakda sa United Nations Convention on the Law of the Sea, gustong isuko nina Rodante at Padilla ang ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) sa China kahit napagwagian ng Pilipinas ang kaso laban sa panghihimasok ng Beijing.

Ayon kay Lacson, walang pinagkaiba ang anumang mungkahi na isuko ang Kalayaan Island Group (KIG) sa pagsuko ng Luzon o maging ng buong bansa, giit ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado.

Ayon kay Lacson, sa ilalim ng international law, ang unang pagtuklas at pananakop sa lupang hindi pag-aari ninuman — tulad sa kaso ng KIG — ay kinikilalang paraan ng pagkuha ng soberanong pagmamay-ari.

“’Giving up’ the Kalayaan Island Group (KIG) is no different from giving up Luzon Island or the entire country. Under international law, first discovery and possession of land that belongs to no one under the legal principle of ‘res nullius’ or ‘terra nullius’ is a recognized mode of sovereign ownership. Even non-lawyers were taught this in school,” ani Lacson sa kanyang post sa X.

Paliwanag ni Lacson, ang abogado at adventurer na si Tomas Cloma ang nakatuklas sa Spratly Islands at sinakop ang mga ito sa ilalim ng prinsipyo ng “res nullius,” kung saan ang sinumang makatuklas at makapanakop sa lupain ay kinikilalang may-ari nito. Kalaunan, isinuko ni Cloma ang pagmamay-ari ng nasabing mga lupain sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments noong nakaraang Miyerkules, binanggit ni Lacson ang matagal nang umiiral na legal na prinsipyo na ito na sumusuporta sa pagmamay-ari ng Pilipinas sa KIG.

Kasunod ito ng mungkahi ni Marcoleta at Padilla na isuko ang Kalayaan Group of Islands dahil umano ang mga ito ay hindi na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

“Yan ang hindi ko mapalampas,” ani Lacson sa isang panayam sa DZBB noong nakaraang Huwebes.

Binigyang-diin ni Lacson, na bumisita sa KIG noong 2021, na ang Kalayaan ay isang munisipalidad ng Palawan na tinitirhan ng humigit-kumulang 300 pamilyang Pilipino.

“Nang narinig ko sabi ni Sen. Marcoleta na ipamigay na lang natin, hindi ako makapigil doon kailangan liwanagin natin kasi sa atin yan at may basehan kung bakit atin yan. Sabi niya sa labas ng EEZ. Di ko matanggap yan kasi nandoon na nga may Pilipino sa Pagasa Island,” ani Lacson. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here