NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Isang 17-anyos na estudyante ang napatay matapos barilin umano dahil sa hindi nabayarang utang sa Barangay Refugio, Calatrava, Negros Occidental noong Pebrero 5.
Una umanong inakala ng pulisya na vehicular accident ang nangyari, ngunit kalaunan ay napag-alamang ito ay insidente ng pamamaril.
Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay binaril sa isang madilim na bahagi ng kalsada na malayo sa mga kabahayan.
Tinamaan ng bala ang kanang bahagi ng ulo ng biktima at tumagos sa likuran.
Ang biktima, na residente ng San Carlos City, ay may hindi pa matukoy na halaga ng utang sa suspek, na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Inaalam din ng pulisya kung ano ang pakay ng biktima sa Calatrava sa oras ng insidente. RNT/MND