Home NATIONWIDE Sandro Marcos, tahimik sa impeachment ni VP Sara

Sandro Marcos, tahimik sa impeachment ni VP Sara

213
0

MANILA, Philippines – Hindi nagbibigay ng pahayag si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos kaugnay sa mga impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang panayam noong Pebrero 4, sinabi ni Marcos: “I’m not going to comment on any impeachment complaints for anyone.”

Ayon kay Marcos, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagpasa ng mahahalagang panukalang batas tulad ng House Bill No. 7432 o ang No Work, No Pay for Members of Congress Act, at HB No. 7443 o ang Travel Tax Abolition Act.

Sinunod din niya ang parehong paninindigan noong mga nakaraang impeachment proceedings laban sa kanyang ama, Pangulong Marcos, kung saan umiwas siya sa pagdinig ng Committee on Justice.

Noong Pebrero 5, ipinasa ni House Secretary General Cheloy Garafil ang dalawang impeachment complaint laban kay VP Duterte sa tanggapan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, at maaari itong i-refer sa justice panel pagsapit ng Pebrero 9.

Sa halip na makisangkot sa usapin ng impeachment, iginiit ni Marcos na nais niyang “make sure that the best laws are passed for the Filipino people.”

Kabilang sa mga batayan ng impeachment laban kay Duterte ang alegasyong sabwatan upang patayin sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here