Home NATIONWIDE PBBM, bumuo ng inter-agency organizing committee sa Japan Green Expo 2027

PBBM, bumuo ng inter-agency organizing committee sa Japan Green Expo 2027

177
0

MANILA, Philippines – Bumuo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang inter-agency organizing committee na mangangasiwa sa preparasyon ng partisipasyon ng Pilipinas sa Green Expo 2027 sa Japan.

Sa ilalim ng Administrative Order (AO) 41, inisyu noong Pebrero 4, itinalaga ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture bilang chairperson at Department of Tourism bilang vice chairperson ng Philippine Organizing Committee (POC).

Kabilang sa magiging miyembro ng komite ang mga pinuno ng department ng foreign affairs, trade and industry, at science and technology, at maging ang National Commission for Culture and the Arts, at Center for International Trade Expositions and Missions.

Inatasan ng AO 41 ang POC chairperson para magdaos ng regular na pagpupulong upang matiyak ang tamang koordinasyon sa hanay ng mga ahensiya upang masiguro ang matagumpay na partisipasyon ng bansa sa Expo.

“The Chairperson shall act as the Philippine focal person to the Green Expo 2027, attend all activities that may be required by the organizers, and perform such other functions as may be necessary for the successful participation of the Philippines in the Expo,” ang nakasaad sa kautusan.

Ang POC chairperson sa kabilang banda ay maaaring magtalaga ng mangungunang ahensiya o sub-committees para sa ‘specific thematic functions’ ng mga bahagi ng Expo.

Winika ng Pangulo na ang partisipasyon ng bansa ay nakahanay sa Philippine Development Plan 2023-2028, partikular sa pagtutulak ng administrason na i- transform ang agriculture at production sectors tungo sa ‘sustainability at competitiveness’ at maging ang isulong ang siyensiya, teknolohiya at inobasyon para sa tinatawag na ‘sustainable development.’

Pinapayagan naman ng AO 41 ang chairperson, vice chairperson, at mga miyembro ng POC na magtalaga ng kahalili na may ranggo na hindi mas mababa kaysa sa assistant secretary o katumbas nito.

Maaari ring bumuo ang komite ng subcommittees at gamitin ang mga kinatawan ng mga ahensiya ng pamahalaan, pribadong sektor, non-government organizations, at akademya para sa ‘technical advice at support.’

Inatasan naman ng AO 41 ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at hinikayat ang local government units at pribadong sektor na magpaabot ng ganap na suporta para sa matagumpay na partisipasyon ng bansa sa international exposition.

Ang POC, sa pamamagitan ng chairperson nito ay kinakailangan na magsumite ng quarterly reports sa Pangulo, sa pamamagitan ng Executive Secretary, at Department of Budget and Management, at maging ng final report pagkatapos ng pagtatapos ng Green Expo 2027.

Saklaw ng report ang gastos, income generated, accomplishments, economic impact, at policy recommendations.

Ang Green Expo 2027 ay isang international horticultural exposition na kinilala ng Bureau International des Expositions (BIE) at International Association of Horticultural Producers (AIPH).

Gaganapin ito sa Yokohama, Japan mula Marso hanggang Setyembre sa susunod na taon, may temang “Scenery of the Future for Happiness.”

“The event offers participating countries a platform to showcase biodiversity, sustainable agricultural practices, innovations in high-value crops and agri-fishery products, green technologies, eco-tourism initiatives, and cultural heritage,” ayon sa ulat. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here