Home HOME BANNER STORY Bulkang Mayon, nagbuga ng lava

Bulkang Mayon, nagbuga ng lava

222
0

ALBAY, Philippines – Nagbuga ng lava ang bulkang Mayon dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kanina Pebrero 7, 2026 (Sabado).

Ayon sa Phivolcs nakataas ang alert level 3 ang paligid ng bulkang Mayon.

Sinabi pa ng Phivolcs na bukod sa pagbuga ng lava namataan din ang pag-agos ng lava sa bunganga ng bulkan.

Nabatid pa sa ulat na naitala rin ang dalawang volcanic. Earthquake sa paligid ng bulkan at 335 pagguho ng bato.

Idinagdag pa sa ulat na bukod sa pagyanig namataan din ang pamamaga ng bulkan.

Kaugnay nito sinabi ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim  na kilometrong (6 km)  radius permanent Danger Zone at pagpasok nang walang pag-iingat. sa Extended Danger Zone o EDZ.

Mahigpit din ipinagbabawal ang pagpapalipad ng ano mang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil  sab anta ng pagguho ng bato , pag-itsa ng lava o bato, pag-agos ng lava at pagputok ng bulkan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here