BULACAN, Philippines – Patay ang motorcycle back rider nang aksidenteng sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isa pang kasalubong na motorsiklo sa bayan ng Bulakan nitong gabi ng Pebrero 6.
Sa ulat, naganap ang insidente bandang 11:22 ng gabi sa isang kurbadang daan sa Purok 1, Brgy. Bambang.
Ayon sa ulat, kinilala ang nasawing back rider na si alyas “RC”, residente ng Brgy. Taliptip.
Sa CCTV footage na nagviral sa social media, sinalpok nang magka-angkas ang isa pang motorsiklo na lulan ang mag-asawa sa isang kurbada at medyo madilim na kalsada.
Dahil dito, tumilapon ang biktimang back rider habang humandusay din sa kalsada ang kanyang driver nang masalpok ang mag-asawang lulan din ng motorsiklo na bumuwal din sa lugar.
Nang makarating ang nangyari sa rescue team ay mabilis na rumesponde sa lugar para sa paunang lunas at agad dinala ang mga ito sa ospital subalit dead on arrival ang lalaking back rider na sumalpok na motorsiklo
Sinasabing nasa maayos na kalagayan ang rider na sumalpok ganoon rin ang sinalpok na mag-asawa lulan ng motorsiklo na kalaunay napagalalamang buntis ang kanyang asawa.
Paala ng mga awtoridad na maging maingat at huwag magmaneho kapag nakainom dahil maaring hindi natin kontrolado ang manibela at hindi namamalayang mabilis na ang pagpapatakbo. (Dick Mirasol III)