Home ENTERTAINMENT Carla, walang inimbitahang Abellana; Jojo, nagsalita!

Carla, walang inimbitahang Abellana; Jojo, nagsalita!

217
0

Manila, Philippines – Wala pala ni isang miyembro sa Abellana side ang imbitado sa kasal ni Carla Abellana.

Ikinasal ang Kapuso actress kay Dr. Reginald Santos noong December 27, 2025.

Mismong ang tyuhin nito at dating artistang si Jojo Abellana ang umaming hindi invited ang sinuman sa side niya-including his elder brother Rey “PJ.”

Si Rey ang ama ni Carla.

Close si Jojo kay Carla at sa ate nitong si Erica–kapwa anak ni Rey kay Rea Reyes.

Ikinalungkot ni Jojo dahil hindi niya nasaksihan ang panibagong yugto sa buhay ng pamangkin.

Kung anuman daw ang nangyari, Jojo feels sad things have become worse na hindi naman daw niya inaasahan.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Carla ang pagpapainterview sa radyo ng ama noong March 11, 2022.

Tungkol ‘yon sa paghihiwalay nila ng pinakasalang si Tom Rodriguez.

Sa kabila ng isyu sa mag-ama, masaya na daw si Jojo para sa pamangkin.

Hangad niyang magkaayos ang lahat.

“Gusto naming masaya ang buhay. Basta masaya lang. We’re looking forward na maayos sana ang lahat,” dasal ni Jojo.

Sa huli, ani Jojo: “Kung anuman ‘yung nakaraan, let’s just forget about it. Hindi na naman tayo mga bata even si Carla!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here