Home NATIONWIDE Atong Ang wala sa Cambodia

Atong Ang wala sa Cambodia

186
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation ng Cambodia na wala sa kanilang bansa ang negosyanteng si Atong Ang.

Ito ay sa kabila ng “raw information” umano ng Department of Interior and Local Government sa kinaroroonan ni Ang.

Sa pahayag na inilabas sa kanilang official Facebook page, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs ng Cambodia na opisyal na kinukumpirma ng kanilang tagapagsalita na si Ang ay hindi nagtungo sa Cambodia at walang opisyal na rekord ng kanyang pagpasok o paglabas sa bansa.

“According to an official report from the Immigration General Department of the Ministry of the Interior of Cambodia, there is no record of Charlie Tiu Hay Ang’s entry or exit at any Cambodian border checkpoints,” sinabi pa sa pahayag.

“This clarification is issued to dispel recent media reports suggesting that Charlie Tiu Hay Ang may be hiding in Cambodia, while a team of Philippine police officers had been dispatched to search for him,” dagdag nito.

Ani Remulla, tanggap nila ang sinabi ng Cambodia kaugnay sa presensya ni Ang sa naturang bansa.

“We will have to take their word for it. The information that Atong ang was in Cambodia came from Julie Patindongan, the star witness in the missing sabungeros case,” sinabi ni Remulla sa panayam ng GMA News.

Sa kabila nito ay patuloy na hahanapin ng pulisya si Ang.

Matatandaan na nag-isyu ng arrest warrants laban kay Ang at iba pa dahil sa multiple counts ng kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here