Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa VisMin sa...

DOH nagbabala sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa VisMin sa bagyong Basyang

258
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng dengue lalo na sa Visayas at Mindanao dahil sa mga pag-ulan dala ng bagyong Basyang.

“Dengue occurs all year round, but it rises during the rainy season. The Visayas and Mindanao are experiencing rain because of the typhoon. So now, cases of dengue may increase,” sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa sa panayam nitong Sabado, Pebrero 7.

Sa pagsisimula ng taon, nakapagtala ang ahensya ng pagbaba sa mga kaso ng dengue sa buong bansa.

Nasa kabuuang 7,471 kaso ang iniulat mula Enero 4 hanggang 24, 2026, o 71 percent na pagbaba mula sa 25,652 na kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Itinuro ni Herbosa ang pagbaba sa kaso ng dengue sa kanilang “Alas Kwatro Kontra Mosquito” campaign na nagpapaalala sa publiko ng preventive measures kontra sa pagdami ng mga lamok. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here