Home NATIONWIDE Retired Army colonel patay sa ambush

Retired Army colonel patay sa ambush

184
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni Matalam Mayor Oscar Valdevieso ang pananambang kay retired Colonel Leonardo Songcayo.

Kasunod nito ay nag-alok ang lokal na pamahalaan ng P500,000 cash reward sa makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pag-aresto sa mga sangkot sa pananambang.

Sa ulat, tinambangan si Songcayo, 60-anyos, ng hindi pa tukoy na mga armadong kalalakihan sa Barangay Kidama tanghali ng Biyernes, Pebrero 6.

Ayon kay Lt. Colonel Arniel Melocotones, Matalam municipal police chief, si Songcaya, residente ng naturang barangay, ay nagmamaneho ng kanyang Nissan Navara pick-up truck nang dumating ang mga gunman na armado ng M16 rifles at caliber .45 na pistola at pinaputukan ito.

Agad naman na tumakas ang mga suspek sakay ng motorbike.

Narekober ng mga awtoridad ang empty shells ng M16 rifle at caliber .45 pistol sa crime scene.

Si Songcaya ay kasalukuyang presidente ng Cotabato Provincial Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) at Kidama Communal Irrigators’ Association (KCIA). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here