Home NATIONWIDE Biyahe ng lahat ng mga barko, bangka balik-normal na

Biyahe ng lahat ng mga barko, bangka balik-normal na

178
0

MANILA, Philippines – Balik na sa normal ang lahat ng shipping at fishing operations sa ilang lugar na naapektuhan ng bagyong Basyang.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), wala nang na monitor na stranded na ga pasahero, sasakyang-dagat, rolling cargoes, at motorbancas sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Kasunod ito ng pananalanta ng bagyong Basyang kung saan ilang mga lugar ang apektado ng masamang panahon at malalaking alon sa karagatan.

Dahil dito lahat ng mga sinuspinde ng maglayag ay pinayagan na muling magpatuloy sa kanilang biyahe at paglalayag nitong Pebrero 7 ng alas 12 ng tanghali. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here