CAGAYAN, Philippines – Arestado ang isang 67-anyos na lalaki sa Allacapan, Cagayan sa higit 200 sex-related criminal charges, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP, isinagawa ang operasyon noong Biyernes matapos isumite ang arrest warrant noong Pebrero 3 ng Cagayan Regional Trial Court Branch 33 sa Ballesteros.
Saklaw ng warrant ang 105 counts of qualified rape, 105 counts of sexual assault, at 3 counts of acts of lasciviousness.
“This operation demonstrates the PNP’s resolve to act decisively against perpetrators who prey on the most vulnerable. Hindi kami magpapatinag sa aming tungkulin na protektahan ang bawat Pilipino, lalo na ang mga bata,” ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.
Ang suspek, residente ng Allacapan, ay nasa kustodiya ng Allacapan Police Station para sa dokumentasyon at pagdulog sa korte.
Hinimok ni Nartatez ang publiko na maging mapagmatyag at iulat agad ang mga kahina-hinalang gawain: “Ang tulong at pakikiisa ng publiko ay mahalaga upang masiguro ang mabilis at epektibong aksyon ng kapulisan… Every arrest, every case filed, is a testament to our dedication to accountability and the rule of law.” RNT/MND