CEBU, Philippines – Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang death threat laban kay Cebu Governor Pamela “Pam” Baricuatro, na diumano’y may P2.5 milyong bounty sa kanyang buhay.
Ang target umano ay papatayin sa labas ng Cebu ng isang hired killer mula Mindanao.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., inutusan na niya ang intelligence units na imbestigahan ang banta.
“We have already mobilized our regional personnel not only to step up the security measures but also to identify and run after all those behind this threat,” aniya.
Idinagdag niya na magpapadala rin ng karagdagang tactical security personnel upang matiyak na walang butas sa seguridad ng gobernador.
Sinabi rin ni Nartatez na ang parehong security measures ay ipinatutupad para sa lahat ng public officials na nakararanas ng banta o harassment habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. RNT/MND