Home NATIONWIDE Pagsunod sa plano, pagbabantay nang mabuti sa susunod na flood control projects,...

Pagsunod sa plano, pagbabantay nang mabuti sa susunod na flood control projects, tiniyak ng DPWH

211
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon noong Linggo na ang mga susunod na flood control projects ay gagawin ayon sa umiiral na plano at maingat na imo-monitor para matiyak na maayos ang pagkakagawa.

“Kung gagawa man tayo ng flood control (projects), iaaayon natin sa mga planong nandiyan na at babantayan talaga natin para magawa ng tama. Kasama diyan sa Iligan ang gagawin natin,” ani Dizon.

Ayon sa kanya, ilang bahagi ng Mindanao tulad ng Cagayan de Oro, Cotabato, at Maguindanao ay nangangailangan ng flood control projects dahil prone sa baha, na naranasan kamakailan dahil sa bagyong Basyang.

Sa 2026 proposed budget na P6.793 trilyon, nakalaan ang P2.49 bilyon para sa maintenance at operating expenses ng existing flood control at drainage systems, pero walang pondo para sa bagong locally-funded flood control projects, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na i-streamline ang gastusin ng DPWH.

Idinagdag ni Dizon na panahon na para ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay isumite ang lahat ng ebidensiya sa Ombudsman at Department of Justice (DOJ) para makapagsampa ng karagdagang kaso laban sa mga sangkot sa korapsyon.

“I think panahon na para ipasa [ng ICI] ang lahat para makuha na ng DOJ at ng Ombudsman lahat ng ebidensiya para makapag-file na mas marami pang kaso laban mga nasa likod nitong korupsyon,” sabi ni Dizon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here