MANILA, Philippines – Hinihikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang Kongreso na siguraduhing hospital management ang mananagot sa ilalim ng RA 9439 o Anti-Hospital Detention Law, at hindi ang mga empleyado.
Sinusuportahan nito ang mga panukalang pagbabago sa batas.
“The CHR underscores the need for ‘proportional and differentiated accountability,’ emphasizing that responsibility for hospital detention primarily rests with those who formulate and enforce hospital policies, rather than with personnel who merely implement them,” saad nito.
Aminado ang CHR na ang hospital detention ay lumalabag sa Bill of Rights dahil ipinagkakait nito ang kalayaan at dignidad ng pasyente.
Ang mga panukala ay naglalayong ;alawakin ang saklaw at proteksyon ng batas; magpataw ng mas mabigat na parusa sa paglabag; at siguraduhin ang epektibong pagpapatupad.
Sa kasalukuyang batas, ang empleyado na lalabag ay maaring makulong 6 buwan hanggang 2 taon at/o multa P100,000–P300,000.
Kung ito ay dahil sa utusan ng management, ang responsable ay maaaring makulong 4–6 taon at/o multa P500,000–P1,000,000. Kung tatlong beses mangyari, mawawala ang lisensya ng ospital.
Inirekomenda rin ng CHR ang step-by-step penalties, tulad ng suspension, mandatory compliance audit, o probationary monitoring bago bawiin ang lisensya, at malinaw na patakaran para sa civil at administrative remedies ng mga biktima.
Sinabi ng CHR na ang layunin ay pantay na katarungan, karapatang pantao, at dignidad ng pasyente. RNT/MND