Home HOME BANNER STORY LTFRB nag-isyu ng show cause orders sa 29 bus, PUV terminals sa...

LTFRB nag-isyu ng show cause orders sa 29 bus, PUV terminals sa kakulangan sa pasilidad

207
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ng show cause orders (SCO) o notices to comply ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 29 operators ng bus at public utility vehicle (PUV) terminals dahil sa kulang o hindi maayos na pasilidad para sa mga pasahero.

Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, isinagawa ito matapos mag-deploy ang ahensya ng mga tauhan para sa random at surprise inspections sa mga terminal sa buong bansa.

Mula sa 155 na terminal na na-inspeksyon, 87 ang hindi pumasa sa LTFRB rules sa pasilidad na dapat mayroon para sa kaligtasan at kaginhawaan ng pasahero. Tiningnan sa inspeksyon ang:

–Malinis at komportableng waiting areas na may proteksyon sa ulan o araw

–Malinis na comfort rooms

–Access sa pasilidad para sa senior citizens at PWDs

–Presensya ng fire extinguishers at CCTV cameras

–Malawak na entry at exit points

Pinaka-maraming non-compliant terminals ay nasa Region 10 (20 terminals), Metro Manila (13 terminals), at Calabarzon (12 terminals).

“Ang regular na inspeksyon ng bus at PUV terminals ay magiging bagong normal. Ito rin ay paraan para ipaalala sa mga operator na dapat laging sumunod sa regulasyon at ipakita sa pasahero na ang LTFRB ay palaging nakasuporta sa kanilang karapatan sa ligtas at komportableng terminal,” ayon kay Mendoza.

Pinaiigting ng LTFRB ang inspeksyon at inutusan ang lahat ng regional directors na magsumite ng compliance reports hanggang sa sumunod ang lahat ng terminal operators sa required facilities.

Noong nakaraang linggo, nag-isyu ang ahensya ng cease-and-desist order sa isang bus terminal sa Iloilo dahil sa malalalang paglabag sa pasahero safety rules.

“Hindi kami magdadalawang-isip na isara ang anumang terminal kung mananatiling pasaway ang operator. Nagawa na namin ito noon, at gagawin namin muli kung kinakailangan,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here