Home NATIONWIDE CAFGU member itinumba ng tandem

CAFGU member itinumba ng tandem

180
0

ILOCOS SUR-Hindi nagawang makaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 45-anyos na CAFGU member matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa national highway sa Brgy. Panay Norte, Magsingal ng lalawigang ito kagabi, Pebrero 8.

Ayon sa Magsingal Municipal Police Station, ang biktima ay naka-assign sa 50th Infantry defender Battalion, 5th Infantry Division, PA, CAA Patrol Base, Muraya, San Juan, Ilocos Sur, naninirahan sa Barangay Puerta Real , Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Bukod sa pagiging CAFGU member ay nagtratrabaho rin ang biktima bilang tricycle driver.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay naghatid ng pasahero sa naturang barangay.

Matapos makababa ang kanyang pasahero, ang biktima ay pinagbabaril ng dalawang hindi nakilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Pagkatapos nito ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Ang biktima ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here