Home NATIONWIDE 4 Chinese tiklo sa P12M iligal na electronic gadgets

4 Chinese tiklo sa P12M iligal na electronic gadgets

210
0

MANILA, Philippines – Arestado ang limang (5) indibidwal kabilang ang apat (4) na Chinese Nationals at isang Pinoy matapos makumpiskahan ang mga suspek ng umano’y libu-libong refurbished laptop at mga assorted mobile phone na nagkakahalaga ng mahigit P12-Milyon sa sinalakay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na isang warehouse sa Subic Bay Gateway Park, Subic Bay Freeport Zone.

Kinilala ang mga nadakip na Chinese Nationals na sina alyas “Yuan” (Female), Liu”, “Liang” at ” “Xiao” at isang Filipino National na Kasamang inabutan sa ooerasyon.

Sa bisa ng Search Warrant mula sa hukuman, sinalakay ng mga awtoridad ang establisimiyento.

Sa ulat, ang mga nasabat na gadgets ng mga awtoridad ay 2,400 na piraso ng mga refurbished laptop at 65 na piraso ng mga sirang mobile phones na umano’y nadiskubreng walang mga kaukulang permiso, certification at ilan pang mga dokumentong nagpapatunay ng legal na pagpasok ng mga ito at distribution sa merkado.

Nabatid na ang mga Nakumpiskang electronic devices ay pawang mga assembled at refurbished sa loob ng Subic Bay Freeport para i-export, subalit ibinebenta (diverted) umano ng mga suspek sa local market kung saan di-rehistrado at wala din itong authorization mula sa National Telecommunications Commission (NTC) na lubhang mapanganib/delikado sa konsyumer.

Gumugulong ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga responsable dito para sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga nadakip na suspek para dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here