Home NATIONWIDE OVP nagbigay ng tulong sa mga biktima ng M/V Trisha Kerstin 3

OVP nagbigay ng tulong sa mga biktima ng M/V Trisha Kerstin 3

170
0

MANILA, Philippines – NAGBIGAY ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng financial assistance sa mga biktima ng lumubog na Roll-on/Roll-off (RoRo) vessel na M/V Trisha Kerstin 3 sa Pilas Island, Basilan.

Nangyari ang aksidente noong nakaraang buwan.

“Yes, opo, nagbigay po tayo ng financial assistance per diseased person, or per missing person, or per survivor. Lahat po ng pasahero po na nandoon sa aksidente sa RoRo ay binigyan natin ng financial assistance,” ayon kay VP Sara sa isang panayam sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni VP Sara na ang bawat pasahero ay binigyan ng tig- P2,500 at grocery items.

“Maliit lang po yung kinakaya ng Office of the Vice President dahil ayun po ay ano lang din tulong ng mga pribadong indibidwal para sa mga biktima,” ang winika ni VP Sara.

Sa pinakahuling datos, umaabot na sa 45 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa trahedya matapos na makarekober ng dalawang iba pa mula mismo sa railings ng barko habang 316 naman ang matagumpay na nailigtas.

Sa kabilang dako, nakausap naman ni VP Sara ang mga survivors at mga kamag-anak ng nasawi at nawawalang pasahero sa Jolo at Zamboanga City.

“Doon sa Jolo, katulad lang din dito nung nangyari nung una, ginrupo namin yung mga namatayan, kinausap namin. Ginrupo namin yung mga nag-aantay, yung mga may missing na kapamilya, at kinausap din namin, kinuha namin ‘yung mga nararamdaman nila, mga reklamo nila,” ang pahayag ni VP Sara.

“Mayroong napansin ko na tanggap na nila na patay na at gusto lang nilang makita yung bangkay. Mayroon namang hanggang ngayon ay hopeful sila na makitang buhay ‘yung kanilang mga kamag-anak. ‘Yung sa mga survivors, ‘yung trauma nung nangyari sa kanila. Maraming nagsabi na nakakatakot talaga yung nangyari,” dagdag na pahayag ni VP sara.

Binigyang diin naman ni VP Sara na dapat na ‘seaworthy’ ang lahat ng barko na lumalayag at bumabiyahe.

“ayun talaga yung number one requirement. So kailangan natin malaman kung seaworthy yung barko na lumubog,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here