Home NATIONWIDE Illegal wildlife keeping sa Batangas, nilusob ng DENR

Illegal wildlife keeping sa Batangas, nilusob ng DENR

147
0

MANILA, Philippines — Nilusob ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang pribadong lugar sa Rosario, Batangas matapos madiskubreng may ilegal na pag-iingat ng mga wildlife species na walang kaukulang permit.

Noong Pebrero 4, kinumpiska ng Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) ang limang saltwater crocodile, pitong long-tailed macaque, tatlong Asian box turtle, isang reticulated python, at isang Burmese python.

Ayon sa DENR, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na may indibidwal na nag-aalaga ng mga hayop na lumalabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Dinala ang mga nasagip na hayop sa APA Wildlife Rescue and Conservation Park sa Majayjay, Laguna para sa wastong pangangalaga, pagsusuri, at rehabilitasyon.

Binigyang-diin ng DENR na ang mga nasamsam na hayop ay kabilang sa mga critically endangered at threatened species, at ang ilegal na pangongolekta, pag-iingat, pagbebenta, o transportasyon ng wildlife ay may katapat na parusang multa na hanggang P300,000 at pagkakakulong na hanggang apat na taon, depende sa uri ng hayop.

“Patunay ito ng aming mahigpit na kampanya laban sa ilegal na wildlife trade at pangangalaga sa biodiversity ng bansa,” ayon sa DENR. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here