MANILA, Philippines – IKINASA na ng Department of Education (DepEd) ang classroom leasing initiative nito para tugunan ang ‘overcrowded public schools’ habang nagpapatuloy ang konstruksyon ng permanenteng silid-aralan.
“The initiative, a partnership between local government units and the private sector, was launched in the town of Pila in Laguna. Laguna is the third most congested province due to its large enrollment base and limited expansion space in public schools,” ang sinabi ng DepEd.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya isinasantabi ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan.
Sa katunayan aniya ay tuloy-tuloy pa rin ang classroom construction sa buong bansa.
“Pero habang ginagawa ito, kailangan din nating mag-isip ng mga praktikal at agarang solusyon gaya ng classroom leasing para hindi na maghintay ang mga bata at guro ng ilang taon bago magkaroon ng maayos na lugar para matuto,” ang winika ng Kalihim.
Sa kabilang dako, ang leased facility sa Pila ay magsisilbi bilang isang annex ng Don Manuel Rivera Memorial Integrated National High School.
Sa ulat, inayos ng DepEd ang leased classrooms ng ilang buwan, na isang cost-efficient solution sa mga lugar kung saan ang land acquisition ay problema para palawakin ang school facilities.
Idagdag pa rito, plano naman ng departamento na i-replicate ang classroom leasing model sa ibang itinuturing na high-need areas. Kris Jose