MANILA, Philippines – NANANATILING “a work in progress” ang pag-uusap hinggil sa 19% taripa sa Philippine goods na nauna nang inanunsyo ni United States President Donald Trump.
Kapuwa kasi naghahanap ang dalawang magkaalyadong bansa ng paraan para maibaba ang ipapataw na buwis na planong singilin sa Maynila.
Sinabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez na hangad ng magkabilang panig ang isang “acceptable” deal, habang ang Pilipinas, ‘longest treaty ally’ ng Amerika sa Asya, nakikipagkasundo para sa ‘more exemptions’ sa mga produkto na itinuturing na dapat buwisan ng Estados Unidos.
“I think most of them have been granted,” ang sinabi ni Romualdez sa mga mamamahayag sa sidelines US-Philippines Society Forum sa Makati City sabay sabing “But we will continue to try to find ways and means to be able to find again areas where the tariff will not be so steep because of (our bilateral) cooperation.”
“It’s a continuing work in progress,” aniya pa rin.
Samantala, sa kabila ng US-imposed levy sa Pilipinas, sinabi ni Romualdez na patuloy na ini-enjoy ng dalawang bansa ang ” matibay at aktibong relasyong pangkalakalan.
“While the 19% tariff is there, we were able to negotiate a large number of exemptions for many of our exports, leading to the fact that I’m told our exports this year to the United States have been the highest in years,” ang sinabi ni Romuladez.
“Contrary to what some people are saying, our trade relations with the United States is in good shape,” aniya pa rin. Kris Jose