Home HOME BANNER STORY Abolisyon ng travel tax, isa sa 21 priority legislative measures na inaprubahan...

Abolisyon ng travel tax, isa sa 21 priority legislative measures na inaprubahan ni PBBM

153
0

MANILA, Philippines – Isa ang abolisyon ng travel tax sa 21 priority legislative measures na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hangad ng Pangulo na pagaanin ang financial burden ng mga byahero.

Sinabi nito na maraming pinoy ang bumibyahe hindi lamang para sa paglilibang kundi para sa trabaho at emergency reasons.

“Ang travel tax po ay ginagamit, unang-una po ang 50% nito ay sa mga Infrastructure and Enterprise Zone Authority’s (TIEZA) tourism infrastructure projects, ang 40% naman po ay educational assistance at scholarship sa CHEd at ang 10% naman po ay para sa pag-promote ng culture and heritage po natin. Ito po ay sa tulong po at—pagtulong sa National Commission in Culture and the Arts po,” ayon kay Castro.

At sa alalahanin na ang pag-abolish sa travel tax ay maaaring makapagbawas sa pagpopondo para sa edukasyon at tourism promotions, sinabi ni Castro na sasagutin ng gobyerno ang anumang funding gaps sa pamamagitan ng national budget, sa oras na ang panukalang batas ay pinagtibay.

“Kapag po ito ay na-abolish na po lahat… ito naman po ay popondohan ng gobyerno… sa pamamagitan po ng GAA,” ayon kay Castro.

Winika pa ni Castro na pinag-usapan ng economic managers ang potential benefits ng panukalang batas partikular na ang pagaanin ang travel costs o gastos sa pagba-byahe, subalit sinabi na ang detalye sa revenue impact ay pag-uusapan sa oras na ang batas ay pormal na ginawa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here