Home NATIONWIDE Online adoption, labag sa batas – NACC

Online adoption, labag sa batas – NACC

375
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng pamahalaan na labag sa batas ang pag-aampon ng sanggol sa Online at hindi ito pinapahintulutan ng batas at dapat na dumaan sa legal na proseso para dito.

Ito ang sinabi ni Asec. Rowena Macalintal  ng National Authority for Child Care (NACC) at binigyan diin na may mga legal na proseso na dapat sundin para adaption at hindi sa Online.

Sa ginanap na  Quezon City Journalist Forum kanina  Pebrero 10 (Martes) sinabi ni Asec. Macalintal  na sa ilalim ng batas hindi pinapayagan ang Online adaption at hindi legal ang pagbebenta ng sanggol.

“Hindi po legal ang Online adaption  dapat po tayong dumaan sa legal na proseso para dito” sabi ni Asec. Macalintal.

Ginawa ni Asec. Macalintal ang pahayag  dahil sa talamak na paggamit ng facebook at iba pang online platforms para sa illegal na bentahan ng mga sanggol. Ito’y sa kabila ng pagpapatupad ng Republic Act 11642d na layuning gawing mas mabilis, simple at libre ang legal na proseso ng pag-aampon.

Ayon  pa sa opisyal ng National Authority for Child Care (NACC), patuloy ang pagdami ng mga Facebook groups na ginagamit sa transaksiyong ito para sa bentahan ng mga sanggol.

Sinabi pa sa ulat na umaabot ang presyo ng bentahan ng mga sanggol—mula ₱80,000 hanggang ₱85,000—gaya ng isang kasong naitala sa blotter sa Cebu City.

Samantala kaugnay nito  sinabi ni PLT Wallen Mae Arancillo  spokesperson ng PNP -Anti Cycber  Crime  Group na wag  basta  basta  maniniwala sa mga nakakausap sa social media at Online platforms lalo’t hindi kilala ang taong tumatawag.

Sinabi pa ni PLT Arancillo na wag din tayo magbibigay ng mga personal information sa mga online platforms at sa social media  ng ating mga address, bank number  at iba pang personal na information  na magiging dahilan upang tayo  mabiktima ng online scam.

“Huwag po tayo magbibigay ng ano mang personal na impormasyon sa mga social media at online platforms  upang hindi mabiktima ng online scam” sabi pa ni LT. Arancillo. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here