Home METRO 2 tulak tiklo sa higit P850-K damo

2 tulak tiklo sa higit P850-K damo

407
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA, Philippines – Timbog ang dalawang (2) high value individual (HVI) drug suspek matapos makumpikahan ito ng mahigit P850,000 halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana o “kush” sa ikinasang buybust operation ng pulisya nitong martes ng madaling araw sa Purok 6, Limbas Street, Barangay New Cabalan, Olongapo City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr., nadakip ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkasabwat na nagbenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa undercover police.

Nasabat sa mga suspek ang pitong (7) pakete ng suspected high grade marijuana “kush” na may timbang na 490 grams at street value ng P735,000 at isang kilo (1Kg) ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may street value ng P120,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa mas pinaigting na batas kontra iligal na droga. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here