Home NATIONWIDE AFP: 55 rebelde, na-neutralize; 103 armas, nakumpiska

AFP: 55 rebelde, na-neutralize; 103 armas, nakumpiska

189
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes na 55 miyembro at kaalyado ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralize mula Enero 1 hanggang Pebrero 5. Nakumpiska rin ang 103 baril at anti-personnel mines (APMs) mula sa mga rebelde.

Ayon kay AFP public affairs chief Col. Xerxes Trinidad, sa 55 na na-neutralize, 45 ang sumuko, apat ang naaresto, at anim ang napatay. Nasakop din ang pitong rebelde camps.

Ipinaliwanag na ang “neutralized” sa military parlance ay maaaring sumuko, mahuli, o mapatay ang kalaban.

Noong nakaraang taon, 2,018 NPA members at supporters ang na-neutralize sa buong bansa—1,798 sumuko, 93 naaresto, at 127 napatay.

Hanggang Pebrero 5 ngayong taon, nakumpiska na rin ng AFP ang 81 baril at 22 APMs. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here