Home NATIONWIDE BIR naglunsad ng bagong system-driven audit sa pag-limita ng “weaponized” LOAs

BIR naglunsad ng bagong system-driven audit sa pag-limita ng “weaponized” LOAs

146
0

MANILA, Philippines – Ipinakita ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Senado noong Martes ang bagong system-driven tax audit framework upang maiwasan ang umano’y maling paggamit ng letters of authority (LOAs).

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, ang mga target ng audit ay pipiliin na ng digital system base sa risk indicators, at ang mga examiners at supervisors ay itatalaga nang anonymous. “Ngayon po, under the new rules, the taxpayers to be audited will have to be chosen by the system,” ani Mendoza.

Dalawang opisyal na lang ang may awtoridad pumirma ng LOA, at ang fraud cases ay dumadaan sa national investigation units. Ang 45,000 dating LOAs ay isasama na sa iisang electronic LOA kada taxpayer kada taon, maliban kung hihilingin ng taxpayer na hiwalay.

Binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na nakatutulong ang system-driven at anonymized selection upang mabawasan ang pagkakataon ng manipulasyon.

Ipinakilala rin ng BIR ang mga dagdag na hakbang para sa transparency at accountability:

–Single-Instance Audit Framework (isang LOA kada taxpayer kada taon)

–Standardized audit checklists at mas mahigpit na dokumentasyon

–Audit-the-Auditor system (Revalida) para suriin ang kalidad ng audit work

–Pagtanggal ng special audit task forces at pagbabalik ng audit sa regular offices

Ayon kay Mendoza, may 30 empleyado na kasalukuyang iniimbestigahan, 25 dito ay may formal charges na, at may reshuffling sa revenue offices para protektahan ang complainants. “Kung ang ebidensya ay magpapatunay na talagang may malaking kasalanan… ididismiss po natin sila,” dagdag niya.

Ang repormang ito ay bahagi ng BIR DARES agenda: Digital and Data Transformation, Audit Reform and Accountability, Revenue Collection and Base Protection, Employee Empowerment, at Service Excellence.

Ani Mendoza, “With these reforms… the BIR audit system is being strengthened. Standards are clear, and accountability is enforced.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here