Home NATIONWIDE SP Sotto, planong ipa-contempt ng ilang abogado sa pahayag laban sa Korte...

SP Sotto, planong ipa-contempt ng ilang abogado sa pahayag laban sa Korte Supema

190
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Planong ipa-contempt ng ilang abogado si Senate President Tito Sotto dahil sa mga pahayag kaugnay sa naging desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa mensahe ni Atty. Ferdinand Topacio sa mamahayag magkakaroon pa sila ng pagpupulong sa Huwebes upang sa pinal ang reklamo.

Hindi naman binanggit kung sino pa ang makakasama niya bilang petitioners.

Ang gagawing pagdulog ni Topacio kasama ang iba pang abogado ay matapos batikos in ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment proceedings laban sa pangalawang pangulo.

Sinabi nito na panghihimasok sa kapangyarihan ng lehislatibo ang ginawa ng Korte Suprema.

Lumabag umano sa saklaw ng simpleng opinyon ang ilang pahayag ni Sotto na maituturing na hindi paggalang sa Kataas-taasang Hukuman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here