Home NATIONWIDE DHSUD, SHFC, AHA nagpulong sa incremental housing sa ilalim ng Expanded 4PH...

DHSUD, SHFC, AHA nagpulong sa incremental housing sa ilalim ng Expanded 4PH Program

153
0

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) at Advocates of Housing for All (AHA) upang talakayin ang pilot sites para sa incremental housing sa ilalim ng Expanded 4PH Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinagtuunan ng pagpupulong ang pagpapatupad ng incremental housing sa limang proposed sites na inilahad ng AHA, na pinamumunuan ni Dr. Nathaniel Von Einsiedel. Layunin nitong tulungan ang mas maraming pamilya sa kanilang pangangailangan sa pabahay sa pamamagitan ng step-by-step home building at aktibong partisipasyon ng komunidad. Target ang rollout ngayong Marso.

Ani Secretary Aliling, ang proyekto ay tugon sa direktiba ng Pangulo na gawing mas inclusive at people-centered ang pabahay, na magpapahintulot sa mga pamilya na unti-unting makapagtayo ng mas ligtas at dignified na tahanan.

Kasama ni Secretary Aliling sa pagpupulong sina SHFC President at CEO Federico Laxa, DHSUD Senior Undersecretary Eduardo Robles, at iba pang opisyal ng DHSUD. Kasama naman ni Dr. Einsiedel sina Alice Murphy, Dr. Mary Racelis, Maria Ana Oliveros, at iba pang AHA officials. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here