MANILA, Philippines – Nilinaw ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Martes na ang kanyang pahayag sa DZRH noong weekend na sinasabing walang dapat ikabahala si Senate President Vicente Sotto III at may arrest teams na naka-standby ay parang biro lamang, ngunit seryoso kung may warrant of arrest.
“It may sound like a joke, but it really isn’t. Of course, if there is a warrant of arrest, the person will be arrested. And we have arrest teams ready,” ani Remulla.
Ang mga pahayag ay kaugnay sa kamakailang tangkang tanggalin si Sotto sa Senate presidency na hindi nagtagumpay.
Noong Pebrero 4, sinabi ni Sotto na naitaboy nila ang pag-alis sa kanya sa posisyon, ngunit hindi niya ibinunyag kung paano.
Tinukoy ng draft report ng Senate Blue Ribbon Committee ang ilang minority bloc members, kabilang sina Senators Francis “Chiz” Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva, na posibleng kasuhan kaugnay ng flood-control controversy.
Ayon kay Remulla, ang mga arresting teams ay para sa “mga kailangang arestuhin,” ngunit hindi niya tinukoy kung domestic o international cases ang sakop. RNT/MND