CAVITE, Philippines – Nasa mahigit P.2 milyon halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng pinagsamang puwersa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Special Operations Unit (RSOU, Regional Intelligence Division (RID) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigang ng Cavite, Lunes ng umaga.
Ayon sa nakalap na report nahaharap sa kasong paglabag sa Custom Modernization ang Tariff Act (RA 10863) ang mga naarestong suspek na sina alyas Marina ng Brgy San Miguel 2 Maragondon, Cavite, alyas Rufina, may-ari ng Loloy and Fhena sa Silang Market, Poblacion 4, Silang Cavite at alyas Dina , may-ari ng Dina’s Store sa Brgy Labac, Naic, Cavite at alyas Renato, may-ari ng AGM AD sa Brgy Luksuhin, Alfonso, Cavite.
Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya bandang alas-9:04 kamakalawa ng umaga nang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Princess Natalie Store Sa Brgy Sam Miguel B, Maragondon, Cavite sa bisa ng BIR Mission Order Kung saan nakumpiska ang samu’t-saring brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P845.
Kasunod nito, dakong alas-10:15 ng umaga nang nagsagawa rin ng operasyon ang mga awtoridad sa Loloy and Fhena Store, Silang Market, Brgy. Poblacion 4, Silang, Cavite kung saan nakumpiska ang iba’t-ibang brand ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P222,350.00.
Umabot naman ng halagang P7,385.00 ang nakumpiska na mga pekeng sigarilyo nang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad bandang alas-10:45 ng umaga sa tindahan ni alyas Dina sa Dina’s Store Sa Brgy Labac, Naic, Cavite.
Bandang alas-11:15 ng umaga nang nagsagawa naman ng operasyon sa AGM AD sa Brgy Luksuhin Alfondo, Cavite na pagmamay-ari ni alyas Renato kung saan nakumpiska ang mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P12,060.00.
May kabuuang P242,640,00 ang halaga ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska sa nasabing operasyon. MARGIE BAUTISTA