Home ENTERTAINMENT Mark, umiyak, nag-emote sa FB live!

Mark, umiyak, nag-emote sa FB live!

202
0

Manila, Philippines – Bothered ang mga friends at supporters ni Mark Herras dahil sa video nito sa Instagram.

Mismong ang Starstruck Season 1 alumnus ang nag-post ng short video, kung saan restless at umiiyak siya.

Nilakipan niya ito ng caption na: “Kulong Sa Sistema.”

Sa isang parte’y makikita si Mark na naninigarilyo.

Sinundan ito ng pag-iyak niya habang tila nakasandal sa pader.

May tagpong pinupunasan niya ang kanyang mga luha ng puting towel.

May eksena ding nagbibihis siya sa loob ng kuwarto’t naglalakad nang naka-hood.

Kuwestyonable ang dahilan ng pagngawa ni Mark, pero obyus na meron siyang pinagdadaanan.

Bumaha naman ng mga messages of concern ang comment box mula sa kanyang mga showbiz friends.

Halimbawa na lang si Rocco Nacino na ipinaalala kay Mark ang tagline ng Starstruck na “dream, believe, survive.”

Kapit lang–ang advice naman ni Carla Abellana.

Laban lang–ang kay Enzo Pineda.

Ilan pa ang nag-message kay Mark to boost his morale. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here