Manila, Philippines – Nakatutuwa at nakabibilib talaga ang suportahan sa isa’t-isa ng popular couple na sina Alex Gonzaga at Lipa, Batangas Vice Mayor Mikee Morado.
Kung full support si Alex sa political career ng mister ay ganoon din naman si VM Mkee, parati siyang nakasuporta sa mga project ng asawa.
Like sa nakaraang contract signing-mediacon ni Alex para sa new endorsement na Captain Calamares (owned by Mr and Mrs Jolo and Kathleen Prado).
From batangas ay bumiyahe pa sa si Mikee sa venue ng event ni Alex sa Tio Pepe Resto sa Molito Lifestyle Center sa Alabang.
Nakita namin kung gaano kamahal ni Mikee itong si Alex, also her mother in-law Mommy Pinty Gonzaga.
Nagbigay pugay rin ito sa 95 year old na lolo ni Alex at kay Uncle Jojo na close sa kanila.
By the way, talagang pinag-ipunan ni Sir Jolo ang Captain Calamares na may 56 branches. Favorite naman ni Alex ang honey sriracha flavor ng ineendorsong fast growing seafood kiosk. Peter Ledesma