MANILA, Philippines – NAGPADALA ang Philippine Navy ng isa nitong Malvar-class guided missile frigates, BRP Miguel Malvar (FFG-06), sa India para lumahok sa isang “historic first naval exercise,”
Sinabi ni Navy spokesperson Capt. Marissa Martinez, na magpapartisipa ang Pilipinas sa nagpapatuloy na 3rd International Fleet Review (IFR26), kung saan ang Indian Navy ang host, at maging ng Multilateral Naval Exercise (MILAN) 2026, na sinalihan ng mahigit sa 20 bansa kabilang na ang Estados Unidos.
Ani Martinez, ang FR26 ay nagsisilbi bilang isang platform para sa magpapartisipang mga navy para magpalitan ng pananaw at palakasin ang kooperasyon bilang suporta sa kapayapaan, katatagan at pag-unlad sa Indo-Pacific region, habang ang MILAN 2026 ay naglalayon naman na paghusayin ang interoperability at operational coordination sa hanay ng mga magpapartisipang mga navy.
“Demonstrating international maritime cooperation, the Philippine Navy conducted a send-off ceremony for Naval Task Group 80.5 on February 5, 2026,” ayon kay Martinez.
“Pinapakita ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang dedikasyon sa pandaigdigang kooperasyon at kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng pakikilahok sa mahalagang naval exercises at fleet review,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, kabilang sa mga nakalinyang aktibidad para sa event ay ang “subject matter exchanges, bilateral meetings, at multilateral exercises.”
“Your Philippine Navy—because of its Vision 2040, which is to be a modern and multi-domain, self-reliant naval force, and a credible partner in the region—has several initiatives in order to not only develop its platforms on warfare, but also to be involved in the conduct of exercises, maritime cooperative activities. And one of these is, of course, the exercise in India,” ang winika ni Martinez.
Samantala, ang BRP Miguel Malvar ang pinakabago at pinaka-advanced na guided-missile frigate ng Philippine Navy. Kris Jose