MANILA, Philippines – TUMAAS ang net satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte sa November 2025 survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa Fourth Quarter 2025 Social Weather Report, nakatanggap si VP Sara ng isang +28 rating, tumaas ng 6 puntos mula sa +22 na nakuha niya noong September 2025.
Isinagawa ang survey noong November 24-30, 2025 gumamit ng face-to-face interviews sa 1,200 adults (18 taong gulang pataas) sa buong bansa: 300 sa bawat isa sa Metro Manila, Balance Luzon (o Luzon o sa labas ng Metro Manila), Visayas, at Mindanao.
Ang sampling error margins ay ±3% para sa national percentages at ±6% sa bawat isa sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang survey ay non-commissioned.
Ayon sa SWS, ang net satisfaction rating ni VP ay nananatiling pinakamataas sa Mindanao na may +70, sinundan ng Visayas na may +41, Balance Luzon na may +9, at Metro Manila na may net zero.
Kumpara sa September 2025, ang net satisfaction ni VP Sara ay tumaas ng 10 puntos mula sa -1 sa Balance Luzon, at 9 na puntos mula sa +32 sa Visayas. Bahagyang bumaba naman ito ng 3 puntos mula sa +3 sa Metro Manila, habang halos hindi gumagalaw mula +69 sa Mindanao.
Ang Net satisfaction ni VP Sara ay nanatiling moderate o katamtaman sa urban areas, tumaas ng 11 puntos kung saan mula sa +10 noong September 2025 ay naging +21. Sa rural areas, tumaas ito ng 3 puntos mula +32 ay naging +35.
Tumaas naman ang net satisfaction rating ni VP Sara kung saan mula sa moderate o katamtaman ay naging good o mabuti sa mga kababaihan, tumaas ng 6 na puntos mula +29 noong September 2025 ay naging +35 noong November 2025. Nanatili naman itong moderate o katamtaman sa mga kalalakihan, bagaman tumaas ng 6 points mula +15 ay naging +21.
“Compared to September 2025, Vice-President Duterte’s net satisfaction rating rose by 32 points from +17 to +49 among the 18-24-year-olds, and by 10 points from +19 to +29 among the 45-54-year-olds,” ayon sa SWS.
“It rose slightly by 4 points from +38 to +42 among the 35-44-year-olds, and by 3 points from -2 to +1 among those 55 years old and above. However, it fell by 6 points from +52 to +46 among the 25-34-year-olds,” dagdag na pahayag ng SWS.
“Duterte’s net satisfaction rating also rose by 16 points from +15 in September 2025 to +31 in November 2025 among those with some senior high school, by 8 points from +34 to +42 among non-elementary graduates, by 8 points from +10 to +18 among college graduates, and by 7 points from +20 to +27 among elementary graduates. However, it fell slightly from +30 to +26 among junior high school graduates,” ang sinabi ng SWS. Kris Jose