MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinanggal na sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Joseph Cue Sy, na kilala rin bilang Chen Zhong Zhen, noong Agosto 2025.
Ayon sa PCG, sa ilalim ng pamumuno ni PCG Commandant Admiral Rommel Supangan, nagsasagawa ang PCG at PCGA ng komprehensibong review ng auxiliary roster upang matiyak na lahat ng miyembro ay nakakatugon sa standards ng credibility at qualification ng Coast Guard.
Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na nakatuon si Admiral Supangan sa pagpapatupad ng mas mahigpit na vetting at qualification procedures para sa kasalukuyan at mga nais maging miyembro ng PCGA.
Layunin nito na pangalagaan ang integridad ng organisasyon at mapanatili ang tiwala ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden