Home SPORTS Ingram ipinalit kay Curry asa NBA All-StarINGRAM KAPALIT NI CURRY SA NBA...

Ingram ipinalit kay Curry asa NBA All-StarINGRAM KAPALIT NI CURRY SA NBA ALL-STAR GAME

220
0

PINANGALANAN si Toronto Raptors forward Brandon Ingram bilang kapalit ng nasugatang si Golden State Warriors star Stephen Curry para sa NBA All-Star Game na gaganapin ngayong weekend sa Inglewood, California.

Ito na ang ikalawang pagkakataon ni Ingram na mapabilang sa All-Star.

Isasama siya sa USA Stripes roster matapos ang solidong performance ngayong season kung saan nag-a-average siya ng 22 puntos, 5.8 rebounds at 3.7 assists kada laro.

Ayon kay Ingram, malaking karangalan para sa kanya ang muling mapili bilang All-Star.

Nagpasalamat din siya sa pagkakataon at itinuring itong panibagong milestone sa kanyang karera sa liga.

Noong Pebrero 2025, lumagda si Ingram ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $120 milyon sa Raptors matapos siyang ma-trade mula sa New Orleans Pelicans.

Matatandaang unang sumikat si Ingram bilang All-Star at Most Improved Player noong 2019–20 season habang naglalaro para sa Pelicans.

Samantala, patuloy na nagpapagaling si Curry mula sa iniindang “runner’s knee” at inaasahang makababalik matapos ang All-Star break kung saan haharapin ng Warriors ang Boston Celtics. (GP)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here