MANILA, Philippines – Patay ang isang limang taong gulang na kindergarten student matapos tamaan ng ligaw na bala pasado alas-8 ng umaga nitong Miyerkules sa loob ng silid-aralan sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Ayon kay Police Capt. Steffi Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office—Bangsamoro Region (PROBAR), nasa loob ng classroom ng Damabalas Elementary School ang bata nang tamaan ng ligaw na bala.







