MANILA, Philippines – Suspendido ang trabaho sa Senado sa Lunes, Pebrero 16, 2026, alinsunod sa direktiba ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Ayon sa isang advisory na nilagdaan ni Senate Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza, magpapatuloy ang regular na opisina sa Miyerkules, Pebrero 18.
Ang Martes, Pebrero 17, ay isang espesyal na non-working day dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Ang mga tauhan mula sa Office of the Sergeant-at-Arms at Maintenance and General Services Bureau na nasa shifting schedules ay inaasahang mag-uulat sa trabaho.
Pinaalalahanan din sa advisory ang lahat ng empleyado na i-unplug ang mga electrical equipment at appliances bago umalis sa kanilang mga opisina upang maiwasan ang anumang aksidente. RNT