MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino laban sa pagtanggap ng recruitment offers mula sa mga banyagang puwersang militar, kabilang ang mga trabahong ipinapakita bilang civil employment.
“Recruitment into foreign armed forces, whether directly or indirectly, may violate Philippine laws and lead to loss of citizenship,” ayon sa DFA.
Hinimok ng ahensya ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na i-verify muna ang anumang job offer o ahensya sa Department of Migrant Workers (DMW) upang hindi mailagay sa panganib ang kanilang buhay at kapakanan.
Kasunod ito ng ulat na isang Pilipino mula Alcala, Pangasinan ang nahuli ng pwersang Ukrainian habang nakikipaglaban bilang mercenary para sa Russia, kahit na una siyang na-recruit para sa logistics role.
Kinumpirma ng DMW at OWWA na wala siya sa kanilang database at nakikipag-ugnayan sa DFA ukol sa posibleng repatriation. Dave Baluyot