ZAMBALES, Philippines – Nasukol at nakorner ng mga awtoridad ang isang Indian National na pangunahing Suspek (mastermind) umano sa pagpatay sa kanyang kalahi na karibal nito sa negosyong pagpapautang (five six), habang tinutugis ng mga awtoridad ang kapatid nito at isa pa na kasabwat umano ng nahuling suspek, sa ikinasang hot pursuit operation sa Barangay Palanginan, Iba.
Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Kumar”, 33 anyos na pansamantalang naninirahan sa naturang lugar.
Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas 9:40 nitong linggo ng umaga (Feb 8, 2026) sa Barangay Dampay, Candelaria, Zambales.
Base sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang labi ng biktimang si Alyas “Manpreet” na nakatumba ang sinasakyang motorsiklo na nakahandusay sa gilid ng isang sapa (creek) sa nasabing Lugar.
Bago ang umano pamamaril sa biktima, nagpapahanap umano ng baril at gun for hire ang naarestong suspek, Ayon sa isang impormante (Pinay na asawa umano ng suspek) na sadyang itinago ang pagkakakilanlan habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Nalaman na Lang na ang plano umano ng suspek (mastermind) ng matagpuan ang labi ng biktimang banyagang negosyante.
Kilala na daw sa lugar ang biktima na maraming kliyente sa kaniyang negosyo (five six).
Tinutugis pa ng mga awtoridad ang kapatid ng suspek at isa pa na kasama umano nito na kasabwat sa pamamaril.
Inggitan o awayan sa negosyo ang tinitingnan Motibo sa krimen.
Nahaharap sa kasong Murder ang nadakip na banyagang suspek. (ROEL TARAYAO)