Home ENTERTAINMENT Andrea, ‘nagpasabog’ ng init sa Switzerland!

Andrea, ‘nagpasabog’ ng init sa Switzerland!

176
0

Switzerland – Sambahin ang ngalan mo.

Ganito ang peg ni Franchesko Juan sa pinaghalong alindog at kaseksihan ng kanyang kasintahang si Andrea Brillantes.

Anong sinabi ng snow sa Switzerland, eh, sa itsura ng aktres ay matutunaw lahat ng ‘yon?!

Ang dapat sana’y snowy Switzerland ay uminit sa arrive ni Andrea, na bida sa paningin ng nobyo.

“Well, hello, Switzerland!” bati ng aktres sa gitna ng lamig sa kanilang kinaroroonan.

Kumustahin n’yo ang suot ni Andrea na dapat sana’y balot na balot to withstand the cold.

Ang suot lang naman niya’y winter jacket without any undergarment.

Naghe-hello ang nagmumura niyang cleavage na muntik nang mag-expose ng kanyang dibdib.

Umani naman ng fire icon at heart eyes emojis ang paandar ng aktres mula sa mga netizens.

Sa tindi nga ng pasabog niya, napa-“Grabe!” tuloy si Franchesko Juan.

Dahil super hot nga si Andrea, comment ng mga netizens ay tiyak na nalusaw daw ang yelo doon.

How to be you, Blythe? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here