Home NATIONWIDE Ama ng estudyanteng nahulog sa LRT, ‘di magsasampa na kaso sa driver

Ama ng estudyanteng nahulog sa LRT, ‘di magsasampa na kaso sa driver

221
0

MANILA, Philippines – Hindi na magsasampa ng reklamo ang ama ng estudyanteng nahulog malapit sa isang LRT-1 station sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City laban sa driver na umano’y nakasagasa sa biktima matapos ang insidente.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), pinalaya ang driver nitong Huwebes ng hapon, Pebrero 12, matapos magsumite ang ama ng notarized letter na nagsasaad na hindi na niya itutuloy ang pagsasampa ng kaso.

Sa pahayag ng QCPD, lumabas sa paunang imbestigasyon at pagsusuri ng CCTV footage na walang malinaw na indikasyon ng kapabayaan sa panig ng driver.

Dagdag ng pulisya, nakipagtulungan ang driver sa mga awtoridad habang nasa kustodiya bilang bahagi ng proseso ng imbestigasyon upang matiyak ang maayos na dokumentasyon at pagsunod sa mga legal na alituntunin.

“The QCPD extends its sincere condolences to the bereaved family and assures the public of its commitment to conduct a fair, impartial, and transparent investigation,” ayon sa pahayag.

Nasawi ang biktima, isang 23-anyos na lalaking estudyante, noong Miyerkules ng umaga matapos mahulog malapit sa LRT-1 station sa EDSA–Congressional Avenue area sa Quezon City. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here