Home NATIONWIDE Voters registration para sa 2026 BSKE, BPE umabot na sa 4,000

Voters registration para sa 2026 BSKE, BPE umabot na sa 4,000

208
0

MANILA, Philippines – Mahigit 4,000 botante na ang nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections (BPE), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, umabot sa 4,305 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro hanggang Pebrero 11, na binubuo ng 2,133 kababaihan at 2,172 kalalakihan.

Nanguna ang Maguindanao del Norte na may 1,191 registrants, sinundan ng Maguindanao del Sur na may 817, Lanao del Sur na may 801, Special Geographic Area sa Cotabato na may 676, at Basilan na may 440. Pinakamababa naman ang Tawi-Tawi na may 380.

Ang naturang pagpaparehistro ay para sa 2026 BSKE at sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nauna nang sinabi ng Comelec na ipinagpatuloy ang voter registration sa rehiyon mula Pebrero 9 hanggang Marso 31, 2026 matapos suspendihin ang Marso 30 na Bangsamoro polls.

Sa buong bansa, iniulat ng Comelec na umabot na sa 1,877,784 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa 2026 BSKE, na mas mataas sa target na 1.4 milyon.

Muling sinimulan ang nationwide registration noong Oktubre 20, 2025 at magtatapos sa Mayo 18, 2026, mula Lunes hanggang Linggo, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa mga satellite site at tanggapan ng Comelec.

Maaaring mag-apply ang mga botante para sa bagong rehistro, paglilipat ng rekord, pagbabago ng pangalan o status, pagwawasto ng detalye, reactivation, inclusion, at reinstatement sa listahan ng mga botante.

Noong Agosto, nilagdaan ni Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpaliban sa BSKE mula Disyembre 1, 2025 patungo sa unang Lunes ng Nobyembre 2026, at kada apat na taon pagkatapos nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here