Home NATIONWIDE Memorial service para kay De Venecia, idaraos sa Kamara

Memorial service para kay De Venecia, idaraos sa Kamara

154
0

MANILA, Philippines – Isang memorial rites para sa yumaong dating House Speaker Joe de Venecia ang idaraos sa Kamara sa Lunes, Pebrero 16, na pangungunahan ni House Speaker Faustino Dy.

Kasabay nito, inaprubahan ng Kamara sa ginawang sesyon sa House Plenary ang House Resolution 758 na kumikilala sa malaking kontribusyon ni De Venecia sa bansa.

Nakapaloob din sa resolusyon ang mahahalagang batas na inakda ni De Venecia, kabilang ang Build-Operate-Transfer Law, Bases Conversion and Development Act, New Central Bank Act, at Philippine Economic Zone Act, at ang pagturing sa kanya bilang “architect of political unity” matapos niyang matagumpay na mapag-isa ang pitong political parties sa isang makasaysayang “Rainbow Coalition.”

Si De Venecia ang nag-iisang miyembro ng Kamara na nakapagsilbi bilang House Speaker nang limang beses, noong 9th, 10th, 12th, 13th, at 14th Congress.

Bilang pagkilala sa legacy na iniwan ni De Venecia, isang museo ang itinayo sa People’s Center sa House of Representatives.

Batay sa iskedyul na ipinalabas ng pamilya ni De Venecia, mula Pebrero 11 hanggang 13 ay ilalagak ang kanyang labi sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Mula Pebrero 14 hanggang 15 ay dadalhin ang kanyang labi sa Annunciation of the Lord Parish, Gueset, Dagupan City. Pagkatapos ng memorial rites sa Kamara sa Pebrero 16, ibabalik muli ang kanyang labi sa Heritage Memorial Park at ihahatid sa huling hantungan sa Pebrero 18.

Si De Venecia ay pumanaw noong Pebrero 10 sa edad na 89. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here